Monday, August 24, 2009

Gold: The Birthday Concert


Nora's Gold Concert
Araneta Coliseum
May 17, 2003
7:30 pm









From Abante Online - Rey Pumaloy, May 21, 2003

Muling pinatunayan ni Nora Aunor na may hatak pa siya sa mga tao nang dagsain ng kanyang mga tagahanga ang Gold concert niya last Saturday sa Araneta Coliseum.
Hanggang general admission ay punumpuno ng tao ang concert na ito ni Nora. Understandable ang mga bakanteng upuan sa likod at gilid ng stage dahil wala nang makikita ang mga tao.

Nakapangingilabot matunghayan ang presence ng ilan sa mga audience ni Guy. May mga matatanda na. ‘Yung iba ay naka-wheelchair na sa sobrang katandaan na ewan namin kung nakikilala pa nila ang superstar. Ang iba, dala ng kapansanan ay nakasakay sa silyang de-gulong.
Sa unang dalawang awitin ni Guy, may mga nasulyapan kaming fans niya na nag-iiyakan, bagay na hindi namin nakita sa kahit anong concert dito sa Pilipinas. Naroon pa rin ang walang sawang tilian ng fans tuwing kakanta o magpapakwela si Guy.

Kapansin-pansing mas preparado si Guy sa kanyang mga awitin sa concert na ito. Hindi niya nakalimutan ang kanyang lyrics. Puro tama ang pasok niya sa intro ng bawat awitin niya. Simpleng-simple lang ang concert ni Guy. Walang masyadong bongga sa production numbers. Boses lang at karisma ang panghatak niya para maging matagumpay ito.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home