Dakilang Bituin ng Pelikulang Pilipino
As read by Edu Manzano at the 1991 Star Awards Tribute to Movie Queens
Ang igorota sa alamat ng Banaue, ang bilanggong nagdadalantao sa Bulaklak sa City Jail, ang NPA na nawalay sa kadugo sa Andrea. Ilan lamang sa iba't ibang Nora Aunor na habang buhay ng nakaukit sa ating puso't isipan.
Mahirap maisip na isang morenang probinsiyana na tindera lamang ng tubig sa tren ang bubuwag sa tradisyon ng mestisang aktres sa pinilakang tabing. Phenomenal nga ang pagsikat ni Nora sa kanyang mundong patuloy na lumawak.
Sa recording, ang Pearly Shells ay tinuturing na isa sa all-time chartbusters sa local recording. Sa telebisyon, ang Superstar ay hinirang na longest running musical of all time. Sa ibang bansa, ipinagbunyi ang Himala sa Berlin at ang Bona sa Cannes.
Maraming bituin pero iisa lamang ang Superstar, Nora Aunor.
*****
Excerpt from an article about the awards presentation from Movie Flash, April 4, 1991...
Yes, maganda ang presentation ngayon Star Awards. Pati na 'yung pagkadakila sa past movie queens natin ay kahanga-hanga ang ginawang research. At 'yung kumpirmasyon sa kung sinu-sino ang mga tunay na reyna ng pelikulang local ay gustung-gusto namin. This would put an end sa mga ilusyon ng iba riyang starlets lang na akala ay mga reyna sila, eh, mga reyna lang pala ng kung anu-ano!
Yes, sa panahon ng pagre-reyna nila Gloria Romero at Nida Blanca ay may isang Charito Solis na sumulpot na naging reyna in her own right.
Noong panahon nina Amalia Fuentes at Susan Roces ay may isang Helen Gamboa na sumulpot. At si Barbara Perez ay mistulang Lea Salonga ngayon na naging bahagi ng isang Hollywood film.
Sa era nina Nora Aunor at at Vilma Santos ay nagkaroon ng sariling trono niya si Alma Moreno.
At nitong present generation ay si Maricel Soriano at Sharon Cuneta pala ang kumpirmadong reyna ng takilya.
Well, papaano na ang mga Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Snooky, Kris Aquino at kung sinu-sino pa riyan na paistar lang pala't hindi naman tunay na reyna?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home